Our Campaign
TULOY ANG LABAN PARA SA AKREDITASYON!
Submitted by courage_phil on Sat, 11/21/2009 - 05:30.
MEMORANDUM BILANG 3 SERYE NG 2009
PARA
SA : LAHAT
NG KASAPING ORGANISASYON, PANLUNGSOD,
PROBINSYA
AT PANREHIYUNAL NA BALANGAY
MULA
SA : PAMBANSANG
KOMITENG TAGAPAGPAGANAP
HINGGIL
SA : PAMBANSANG
KAMPANYA PARA SA PAGPAPATULOY NG LABAN
PARA
SA AKREDITASYON
PETSA : NOBYEMBRE 21, 2009
Nobyembre 18, 2009 sa 11 pahinang
resolusyon ng 1st Division (presided by Sarmiento) ng Commission on
Elections, denied ang inihapag na petisyon for registration ng COURAGE
PARTYLIST. Ayon sa COMELEC, wala daw tayong national constituency at hindi
nagsumite ng articles of incorporation na magpapatunay na kinakatawan natin ang
mga marginalized at underrepresented na sektor. Walang pakundangang inalisan ng
desisyon na ito ng karapatan ang mga kawani ng pamahalaan para sa representasyon
dahil lumabas ang desisyon isang araw bago ang opisyal na filing ng mga
certificates of candidacy.
Una, ipinagkamali nila ang COURAGE
Partylist sa COURAGE na pambansang organisasyon ng mga kawani ng pamahalaan
kaya defiance daw na di tayo nagsumite
ng articles of incorporation na hindi naman rekisito sa partylist
registration. Ni walang nabanggit na kaugnay nito nung August 28 hearing.
Kwestyonable din ang naging
verification process dahil sa mga lugar na may miyembro tayo (11 Regions ang
isinumite natin) ay wala daw samantalang dun sa binanggit nilang areas na
na-verify tayo ay wala talaga tayong kasapiang isinumite – Lanao del norte,
Makati, Rizal, 1st at 2nd Dist ng Quezon City. Malinaw na
hindi ginawa ng COMELEC ang trabaho nila dahil ang desisyong pinirmahan ay
parang “cut and paste” o proporma ng resolution to DENY - nakasaad ang order ay
to verify KALINGA sa mga rehiyon. Typo error man o hindi, mabigat na
pagkakamali dahil official na desisyon ito at pirmado ng 3 Commissioners ng
COMELEC.
Sa konteksto ng patuloy na
pampulitikang panunupil, malinaw na may marching orders ang Malacanang sa
Comelec na huwag pahintulutang makalahok sa 2010 elections ang mga progresibong
partylist. Nauna nang “Delisted” ang Migrante Partylist, DENIED din ang petition
for registration ng ACT Teachers Partylist at may nakasampang protesta sa
ANAKPAWIS at BAYAN MUNA. May katibayan din tayo at ayon sa taga-Comelec, ilang
ulit na nagpabalik-balik ang berdugong si Palparan sa COMELEC. Nobyembre 16,
may nagpakilalang nagpafollow-up para sa COURAGE PARTYLIST at ACT Teachers
Partylist samantalang wala naman tayong awtorisadong pumunta duon. Lumalabas na
taga Office for External Affairs ng Malakanyang ang nagpunta upang tiyaking
DENIED ang laman ng desisyon.
Subalit kailangan muna natin na iturol
sa Comelec ang laban. Ipamukha ang kanilang incompetence, double standards
(madali makalahok ang dummy at bogus na PLs) at pambabastos sa esensya ng
partylist system na ipinagwagi ng sama-samang pagkilos ng mamamayan. Hindi natin
hahayaang ipagkait sa mga kawani ng pamahalaan ang karapatan para sa tunay na
representasyon sa Kongreso!
TULOY ANG LABAN!
- Simula
sa Lunes, Nob. 23, i-barrage natin ang mga tanggapan ng Comelec ng
petisyon “TO ALLOW COURAGE
PARTYLIST TO RUN” in the 2010 elections. Kalakip nito ang pro-porma na
ikakampanya nating lagdaan at ipa-receive sa Comelec. Magfax at e-mail
din. Pakibigyan ang ating tanggapan ng kopya.
- Sa
Martes, Nobyembre 24, ihuhudyat
ang pambansang protesta ng mga kawani ng pamahalaan, retirado, pamilya at
iba pang kasapi ng COURAGE Partylist. Sa Main Office ng Comelec ay may
martsa/rali kasabay ng pagfile ng Motion for Reconsideration. Vigil na ito
hanggang sa Nobyembre 27. Hinihikayat din ang mga rehiyon at probinsya na
magsagawa din sa araw na ito ng pagkilos (at patampukin sa media) sa
Comelec upang ipamukha ang pambansang katangian ng ating Partylist.
- Sa
December 1, deadline ng filing ay magpa-file pa din tayo ng “Manifestation
to Participate” at isang pambansa koordinadong pagkilos muli ang ating
panawagan.
- Bilang
bahagi ng motion for reconsideration ay OBLIGADONG magsumite (with received copy at copy furnished ang
National Office) ang mga rehiyon sa Regional Comelec ng mga listahan ng
miyembro natin to disprove their claim na wala tayo sa mga lugar na ito.
- Magpa-file
tayo sa Supreme Court kapag negatibo pa rin ang desisyon sa ating motion.
- Ang
mga unyon sa ilalim ng COURAGE ay hinihikayat na magstreamer hanging (Fight
for Gov’t. Employees Representation: ALLOW COURAGE PARTYLIST TO RUN) at
maglunsad ng mga lokalisadong pagkilos.
Kinakailangang maging maagap, malakas
at malawakan ang mga sama-samang pagkilos natin. Dahil sa automated elections
na kasali sa pag-imprenta ng balota ang pangalan ng mga Partylist, mahalaga na
wala tayong maaksayang panahon.
Kumilos upang i-reverse ng Comelec ang
desisyon at makalahok ang COURAGE Partylist sa 2010 eleksyon!
Para sa NEC,
FERDINAND R. GAITE
National President
- Login to post comments
- Printer-friendly version
- send to friend