Our Campaign
Senate Hearing on Joint Resolution No. 24 or Salary Satandardization Law 3 (SSL 3)
Submitted by courage_phil on Sat, 04/25/2009 - 12:39.
PANAWAGAN NG PAGKILOS
P3,000 DAGDAG SA
MIN. PAY IBIGAY NA!
ANO: COURAGE PICKET
KAILAN: APRIL 28, 2009, MARTES, 9:00 a.m.
SAAN: MANILA
FILM CENTER KITAAN, MARTSA PATUNGONG SENADO, PASAY CITY
BAKIT: FINANCE
COMMITTEE HEARING
SA
JOINT SENATE RESO # 23 O PANUKALANG SSL 3
Nagbunga
muli ang ating paggigiit sa wastong pagsusuri at paninindigan kaugnay ng
panukalang umento sa ilalim ng SSL 3. Mula sa dating masahol na Government
Compensation Classification Act o GCA hanggang sa Joint House Resolution No. 24
(Joint Senate Resolution 23 naman sa Senado),
kinilalang matuwid (aminin man nila o hindi) ang panawagan natin para sa P3,000
dagdag sa minimum pay. Sa katunayan, binago ang panukalang pay scale mula sa
orihinal na panukala. Halimbawa sa SG 1 step 1 o Minimum pay, mula P8,000 ay
P9,000 na ngayon. Halos malapit na sa P3,000 sa minimum pay na iginigiit natin,
dahil nasa P6,149 na ang SG 1 ngayon. Pero syempre, nandyan pa rin ang mga
kontra-kawani na probisyon gaya ng umentong hulugan sa apat na taon;
diskriminasyon sa mga kawani ng mga local government units; mataas na umento
para sa mga opisyal ng gobyerno at pagbalewala sa mga ipinanalong mga
benepisyo, insentibo at mga Magna Carta (social workers, nurses, scientists,
teachers etc.).
Kaya kailangang palakasin pa natin ang ating tinig at pakilusin ang mas
marami mula sa ating hanay upang marinig at ganap na tagumpay ay makamit!
LUMAHOK,
MAGPAKILOS, MAPABILANG!
- Login to post comments
- Calendar
- Printer-friendly version
- send to friend